Helicopters gagamitin para sa relief operations sa Natonin

PHOTO: MPSDEO DPWH

Hirap pa rin ang mga awtoridad na maabot ang Natonin, Mountain Province dahil sa pinsalang idinulot ng Bagyong Rosita sa lugar.

Dahil dito, plano na ng gobyerno na gumamit ng helicopters upang makapaghatid ng mga pagkain, gamot at iba pang relief items para sa mga biktima ng bagyo.
Hindi kasi makapasok ang mga trucks at mga sasakyang may dalang relief goods papunta sa bayan dahil sa mga bato, putik, at iba pang debris na nakahambalang sa mga kalsada.

Sinabi na rin ni Governor Bonifacio Lacwasan na bubuo siya ng malaking grupo ng mga residente para kunin ang mga relief items at maglakbay sa pamamagitan ng paa.

Nakapagdeploy na rin ng mga tao at heavy equipment sa lugar para mapabilis ang road-clearing operations.

Read more...