Miss Vietnam, itinanghal na Miss Earth 2018

Screengrab | FB

Kinoronahan bilang Miss Earth 2018 si Miss Vietnam Khanh Nguyen.

Naganap ang koronasyon ng prestihiyosong pageant kagabi sa Mall of Asia Arena.

Naging malaman ang sagot ng beauty queen sa tanong kung ano ang pinakamahalagang isyu na kinahaharap ng mga millennials sa ngayon.

Ayon kay Khanh, ang kamang-mangan ang pinakamahalagang isyu.

“Our ignorance is the most pressing issue. We have technology available and we only care about ourselves,” ani Miss Vietnam.

Ito ang kauna-unahang korona ng Vietnam sa Miss Earth.

Si Khahn ay isang marketing student at matatas sa wikang Vietnamese at Ingles.

Samantala, itinanghal naman bilang Miss Earth Fire si Miss Mexico Melissa Flores; Miss Earth Water si Miss Colombia Valerie Ayos habang si Miss Austria Melanie Mader ay kinoronahang Miss Earth Air.

Ang pambato ng Pilipinas ay nakapasok sa semi-finals.

Read more...