3 patay sa pamamaril sa isang yoga studio sa Florida

AP photo

Tatlo ang patay at lima ang sugatan sa naganap na pamamaril sa isang yoga studio sa Florida sa US.

Sinabi ni Tallahassee Police Chief Michael DeLeo na kabilang sa namatay ay ang suspek sa naganap na pamamaril.

Kinilala ang mga namatay sa yoga studio na sina Dr. Nancy Van Vessem, 61 at ang 21-anyos na si Maura Binkley.

Sa panayam ay sinabi ni DeLeo na hindi pa nila alam ang motibo sa pamamaril at hindi na siya nagbigay ng anumang detalye sa naganap na krimen.

Umapela rin sila sa publiko na makipag-ugnayan sa pulisya kapag may nakuhang mga impormasyon kaugnay sa pamamaril.

“We’re all very saddened and shocked by the events that occurred, but it’s important that people understand that there is no immediate threat outside of what has already occurred this evening,”ayon kay DeLeo.

Ang yoga studio na kinaganapan ng pamamaril ay matatagpuan sa isang shopping complex na kilala sa mga tindahan ng alahas, restaurant at gadget hub.

Samantala, sinabi naman ni Florida Gov. Rick Scott na inatasan na niya ang mga pulis sa kanilang lugar na magsagawa ng malalimang imbestigasyon para matiyak na hindi na mauulit ang nasabing pangyayari.

Read more...