Pero nanindigan si Presidential Spokesman Salvador Panelo na dapat ay sumunod sa mga umiiral na batas sa bansa ang nasabing madre.
Maganda umanong paalala sa mga dayuhan ang sinapit ni Fox na hindi dapat sila makisawsaw sa mga panloob na isyu ng bansa.
Nilinaw rin ng kalihim na sinunod lamang ng Bureau of Immigration ang inilabas na Operations Order ni dating justice secretary at ngayo’y Senator Leila De Lima na nagsasabing bawal ang mga foreigner na sumali sa anumang uri ng political activities.
Binanggit rin ng kalihim na inamin mismo ni Fox ang pagsama sa ilang political rallies at ikinatwiran pa nito na iyun daw ay bahagi ng kanyang missionary work sa bansa.
“To say that Sister Fox is ‘compelled to leave under strong protest’ is, therefore, misleading as it is erroneous. Neither is there ‘injustice’ nor ‘silencing or threatening anyone from exercising the freedom of expression,” ayon pa sa pahayag ni Panelo.
Ngayong gabi ay nakatakda nang bumalik sa Australia si Fox makaraang magtapos ang bisa ng kanyang temporary visa.