Cesar Montano inulan ng request para sa video greetings

Aminado ang aktor na si Cesar Montano na naging ugalina niya ang pagpapada ng video greetings sa mga kaibigan.

Ito ang naging dahilan kung bakit pinag-usapan ulit ang aktor sa social media makaraan siyang magpadala ng isang video sa isang kaibigang kagawad ng barangay sa lungsod ng Maynila.

Pero sa nasabing video greeting ay nakita sa background ang isang tila hubad na babae.

Sa panayam ng Inquirer, sinabi ni Montano na mula nang mag-viral ang nasabing video ay dumami ang request sa kanya para sa video greeting.

““… [Y]ou won’t believe that I get thousands of requests for video birthday greetings, but the thing is, I can’t grant their requests to focus on the background instead of me,” ayon sa aktor sa panayam ni Dolly Carvajal ng Philippine Daily Inquirer.

Gayunman ay tumanggi naman si Montano na pangalanan ang babae na naging bahagi ng kumalat na viral video.

Makaraan ang kanilang paghihiwalay ng dating misis na si Sunshine Cruz ay naugnay rin ang aktor sa modelo na si Sophie Rankin at ngayon naman ay napaulat na nagpabinyag siya kamakailan sa kanyang anak sa kasalukuyang partner na si Kath Angeles.

Read more...