Tagumpay ng kampanya kontra NPA tiniyak ng Malacañang

Inquirer file photo

Tiniyak ng pamahalaan na hindi mabibigo ang binuong anti-New People’s Army  Task Force ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo suportado ng publiko ang nasabing hakbang ng gobyerno laban sa teroristang grupo.

Bilang patunay ay sinabi ni Panelo na sa mga nagdaang panahon ay patuloy sa pagbaba ang bilang ng mga sumasapi sa makakaliwang grupo.

Ito ang tugon ni Panelo sa naging patutsada ng Communist Party of the Philippines na pagsasayang lamang ng panahon at wala ring patutunguhan ang kampanya laban sa NPA ng pamahalaan.

Nauna nang sinabi ng palasyo na layunin ng anti-NPA task force na manguna sa mga localized peace talks.

Mas mabuti umano ito para direktang naipaparating sa mga armadong grupo ang mga proyekto ng pamahalaan nang hindi na dumadaan sa pakikipag-usap sa mga lider-komunista na nagpapasarap lang naman sa ibang bansa.

Katuwang sa nasabing kampanya ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at iba pang ahensya ng gobyerno.

 

Sa loob ng mahabang panahon ng bakbakan ay panahon na para mag-isip ang mga kasapi ng NPA na hindi ito ang sagot sa kanilang mga adhikain ayon pa sa kalihim.

Read more...