Iniulat ng Department of Agriculture na umabot na sa P1.8 Billion ang napinsala sa sektor ng agrikultura ng nagdaang bagyong Rosita.
Sa kabuuan ay umabot sa 90,052 ektarya ng mga agricultural lands ang nasira partikular na sa Cordillera Autonomous Region (CAR) at sa Regions 1,2 at 3.
Ipinaliwanag ni Agriculture Sec. Manny Piñol na mga pananimna palay ang siyang pinaka-grabeng nasalanta ng bagyo.
Nagresulta ito sa pag-akyat sa bilang na 4,921 na mga magsasaka ang apektado ng bagyo.
Kabilang sa mga pananim na grabeng napinsala ni Rosita ay iyung matatagpuan sa Benguet, Kalinga, Ifugao, Mt. Province, La Union, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Tarlac at Zambales.
Ikalawa sa mga grabeng napinsala ay ang mga pananim na mais at ikatlo naman ang fisheries sector.
Sa kabila ng mga napinsalang pananamin na palay ay tiniyak naman ni Piñol na hindi ito magreresulta sa pagtaas sa presyo ng nasabinguri ng butil.
Sa kasalukuyan ay sapat ang suplay ng bigas sa mga pamilihan ayon pa sa agriculture secretary.