Alec Baldwin nanuntok dahil sa agawan ng parking slot sa New York

AP

Inaresto ang actor na si Alec Baldwin makaraan niyang suntukin sa mukha ang isang lalaki dahil sa agawan ng parking space sa New York.

Sinabi ni New York Police Department Lieutenant John Grimpel na nagtamo ng injury sa kanyang kaliwang panga ang 49-anyos na lalaki na sinuntok ni Baldwin.

Mabilis na dinala sa himpilan ng pulisya ang aktor na nahaharap sa kasong assault and harassment.

Kaagad namang nagbayad ng piyansa si Baldwin makaraan siyang kasuhan ng kanyang biktima.

Tumanggi nang magbigay ng pahayag ang aktor pero kanyang sinabi na haharapin nya at ng kanyang mga abogado ang isinampang asunto.

Sa hiwalay na panayam ay sinabi ng biktima na nauna siyang dumating sa parking space pero kaagad umano siyang kinompronta ng aktor na nauwi sa pagtatalo at panununtok sa kanya.

Read more...