Bigtime suspected drug lord sa Cebu gustong makaharap si Duterte

Inquirer file photo

Handang makipagkita kay Pangulong Rodrigo Duterte ang sinasabing bigtime drug lord sa lalawigan ng Cebu na si Daangbantayan Mayor Vicente Loot.

Sinabi ng kanyang stepson na si provincial board member Sun Shimura na magandang development ang naging pahayag ng pangulo na ipatatawag niya sa palasyo ang mga tinaguriang narco politician.

Gusto ng pangulo na makaharap ang ma drug suspek para sa huling pagkakataon ay pagsabihan ang mga ito na itigil ang kanilang gawain o kaya ay kaharapin ang matinding aksyon ng batas.

Ipinaliwanag ni Shimura na noon pa gustong makausap ng alkalde ang pangulo para ipaliwanag ang kanyang sarili kaugnay sa mga umano’y maling akusasyon laban sa kanya.

Ayon kay Shimura, “Actually, Mayor Loot always wanted to meet [with] the President to express and voice out his side after his name was dragged to the illegal drug trade. If the President is going to summon the mayors in the  ‘narcolist,’ I think that would be the best way”.

“[If this pushes through], our family will be happy about it. Because he (Loot), as far as I know, has been attempting to meet with the President,” dagdag pa ng opisyal.

Magugunitang sa unang inilabas na narcolist ng pangulo ay kasama na ang pangalan ni Loot na isa ring dating opisyal ng Philippine National Police.

Bukod kay Loot kasama rin sa mga narcolist ng pangulo si dating Cebu City Mayor Michael Rama.

Si Rama at Duterte ay nagkaroon na ng pagkakaton para makapag-usap at sa isang panayam ay sinabi ng dating alkalde na nilinis na rin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanyang pangalan sa droga.

Read more...