Nilinaw ng Vatican na bukas sila sa anumang uri ng imbestigasyon para makilala ang kalansay na nakita sa kanilang embahada sa Rome.
Sa kanilang opisyal na pahayag ay sinabi ng Vatican na nadiskubre ang skeletal remains nang bakbakin ang sahig sa silid ng mga janitor para sa kaukulang restoration.
Inaalam na rin ng mga otoridad kung sino ang mga nasa likod ng pagsesemento sa nasabing sahig sa mga nakalipas na panahon.
Inaalam na rin ng mga otoridad kung ang nasabing kalansay ay posibleng ang dalawang teenagers na naiulat na nawaala noong dekada 80 sa lugar.
May ulat rin na posibleng ito ang katawan ng misis ng dating custodian ng gusali na naireport na nawawala noong 1960s.
Binalikan ng mga otoridad ang testimonya ng ilang mga kasama ng mag-asawa sa lugar na madalas umano silang nag-aaway noong araw hanggang isang umaga ay naiulat na lamang na nawawala ang nasabing ginang.
Para makilala ang nasabing mga labi ay isasalang ng mga otoridad sa DNA test ang kalansay na nahukay sa Villa Giordina.