Ito ay matapos kutyain ng Pangulo ang mga Santo sa kasagsagan ng All Saints’ Day kung saan tinawag niya ang mga ito na tarantado at lasenggo.
Sa isang Facebook post, hinimok ni Bishop David ang bawat isa na ipanalangin ang pangulo na kanyang inilarawang ‘very sick man’.
Iginiit naman ng obispo na walang bago sa pangungutya sa mga Santo dahil ang pagiging isang Kristiyano anya ay pagiging handa rin na matawag na mangmang para kay Kristo tulad ng sinabi ni San Pablo sa kanyang Unang Sulat para sa mga taga-Corinto.
Maging si San Juan Bautista anya ay tinawag ding sinasapian ng demonyo.
Sa huli sinabi ni David na itinuro ng Panginoong Hesus sa mga Kristiyano na maging mahabagin sa mga may sakit.
Dapat anya na ipanalagin ang pangulo at ang buong bansa.