Sa impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection – Manila nagsimula ang sunog bago mag alas-10:00 ng gabi.
Itinaas naman sa ikatlong alarma ang sunog alas-10:20 ng gabi.
Sinasabing nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng isa sa mga bahay.
Alas-12:57 ng madaling araw nang tuluyang maapula ng mga bumbero ang sunog.
Patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala nito sa ari-arian.
MOST READ
LATEST STORIES