Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang Bohol alas-8:48 ng umaga ng Biyernes.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong apat na kilometro Hilagang-Kanluran ng Sagbayan.
May lalim ang pagyanig na isang kilometro at tectonic ang dahilan.
Naitala ang Intensity IV na pagyanig sa Sagbayan, Bohol habang Intensity III sa Clarin, Bohol.
Hindi na inaasahan ang aftershocks at pinsala sa mga ari-arian.
MOST READ
LATEST STORIES