Zero crime rate sa paggunita ng Undas sa Manila South Cemetery

Kuha ni Justinne Punsalang

Walang naitalang krimen sa Manila South Cemetery sa paggunita ng Undas ngayong taon.

Ayon kay Police Supt. Albert Barot, ng Manila Police District at siyang ground commander sa sementeryo, mula noong Oct. 31 hanggang Nov. 2 ay wala silang naitalang krimen.

Ani Barot, walang nairekord kahit mga petty crimes gaya ng pandurukot at pagnanakaw.

Inaasahan namang mapapanatili na ang payapang sitwasyon sa sementeryo hanggang matapos ang araw na ito.

Read more...