WATCH: Ikalimang studio album ng K-pop sensation na EXO, inilabas na

Makalipas ang mahigit isang taon na hindi paggawa ng album, balik sa music industry scene ang K-pop sensation na EXO.

Inilabas na ng EXO ang long-awaited na fifth studio album nito na may titulong “Don’t Mess Up My Tempo.”

Ngayon lang ulit nag-release ng album ang grupo mula noong July 2017 kung kailan inilabas nila ang fourth studio album na “The War”.

Agad namang nakapagtala ng 1.1 million pre-orders ang nasabing album.

Inirelease na rin ng grupo ang music video para sa kanilang single na “Tempo”.

Ang music video na ito ay mayroon nang halos kalahating milyong views sa You Tube ilang oras lang matapos irelease.

Read more...