Dumarami pa ang bilang ng mga pasaherong bumibiyahe sa mga pantalan.
Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), mula alas 6:00 ng umaga ng Biyernes hanggang alas 12:00 ng tanghali, umabot sa 77,798 ang naitala nilang mga bumiyaheng pasahero.
Pinakaraming naitalang bumiyahe sa mga pantalan sa Western Visayas na umabot sa 18,206; sinundan ng Eastern Mindanao na mayroong 12,990 na mga pasaherong bumiyahe; at Central Visayas na nakapagtala ng 12,604.
Sa mga pantalan sa Southern Tagalog nakapagtala ng 8,428 na bumiyahe; 6,923 sa Northern Mindanao; 6,100 naman sa mga pantalan sa Palawan; at Southern Visayas ay mayroong 5,504 na mga bumiyaheng pasahero.
Dagsa pa rin ang mga pasahero sa mga pantalan sa National Capital Region, Western Mindanao, North Western Luzon, Bicol, Eastern Visayas, at Eastern Luzon.