36 crew ng dalawang fishing boats inaresto dahil sa illegal na pangingisda sa Cavite

PCG Photo

Hinarang ng Philippine Coast Guard ang dalawang bangkang pangisda sa karagatang sakop ng Puerto Azul, Ternate, Cavite.

Ang naturang mga bangka kasi ay gumagamit ng ilegal na pamamaraan ng pangingisda na tinatawag na “Danish Seine” o kilala sa lokal na tawag na “hulbot-hulbot”.

Ang Danish Seine ay ipinagbabawal na gawin sa karagatan ng Pilipinas dahil maari itong makasira sa coral reefs, sea grass beds, at iba pang fishery marine life habitats.

Matapos matanggap ang ulat agad nagtungo sa lugar ang mga tauhan ng Coast Guard at saka kinumpiska ang fishing boats na “Kat-Kat-R” at “Elley P” at inaresto ang 46 na crew nito.

Nasabat din ang humigit-kumulang 50 banyera ng isda na nakatakdang i-turn over sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sasampahan ng kasong paglabag sa fisheries code at PCG law ang boat operators ng dalawang bangka dahil sa ilegal na pangingsda; obstruction ng Fishery Law Enforcement Officer; paggamit ng unlicensed gear; pag-employo ng unlicensed fisher folks; at iba pang mga paglabag kabilang ang pag-alis sa pantalan ng walang clearance mula sa Coast Guard.

Read more...