BFP nagsagawa ng hydrotesting sa gas leak sa Makati

NCRPO Photo

Nagsagawa na ng pagsusuri ang Bureau of Fire Protection para malaman ang source ng gas leak sa Barangay Bangkal sa Makati City.

Isinasagawa ng BFP ang hydrotesting para matiyak din na ligtas ang mga residente sa palibot ng gasolinahan ng Phoenix Petroleum.

Sa proseso ng hydrotesting, ang laman ng bawat tangke sa gasolinahan ay tinatanggal at saka pinapalitan ng tubig.

Matapos ito ay titimbangin ang tangke at muling titimbangin makalipas ang ilang oras para malaman kung mayroong gumaan dito.

Kung may gumaan ibig sabihin ay nabawasan ang laman nito at posibleng ang tangkeng iyon ang may tagas.

Boluntaryo nang isinara ng Phoenix ang naturang gasolinahan.

Read more...