34 na drug suspects arestado sa Tagum City

Arestado ang 34 na katao sa isinagawang operasyon sa sa Tagum City sa Davao Del Norte, Biyernes (Nov. 1) ng umaga.

Sa ulat ng Davao Del Norte Police Office, isinagawa ang raid sa Purok 3, Durian Street sa Madaum Village.

Ang naturang lugar ay isang coastal area at itinuturing na hotbed ng illegal drug activities.

Karamihan sa mga nadakip ay pawang residente ng Tagum, Panabo at Mabini, Compostela Valley.

Tinatayang aabot sa 11 sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad na nagkakahalaga ng P54,000.

May isa ring suspek na nakuhanan ng kalibre 38 revolver.

Read more...