Gasolinahan ng Phoenix Petroleum na pinagmulan ng gas leak sa Makati isinara muna

NCRPO Photo

Isinara na muna pansamantala ang branch ng Phoenix Petroleum sa Barangay Bangkal, Makati City dahil sa gas leak.

Sa pahayag ni Phoenix Petroleum vice president for external affairs Raymond Zorilla, ginawan na nila ng hakbang ang nangyaring gas leak na aniya ay isang isolated case lamang.

Pinasalamatan din ng pamunuan ng Phoenix Petroleum ang Makati City Government at Bureau of Fire Protection sa ginawang aksyon.

Noong Huwebes agad nagtalaga ng mga truck ng bumbero sa lugar matapos magreklamo ang mga residente na may naamoy silang masangsang mula sa gasolinahan.

Nagsagawa ang mga miyembro ng Makati Bureau of Fire ng water flushing operation sa mga kanal na nasa paligid ng gasolinahan.

Read more...