Mga pasahero dagsa pa rin sa mga pantalan

Tuloy ang pagsagsa ng mga pasahero sa mga pantalan sa bansa.

Sa datos ng Philippine Coast Guard, mula alas 12:00 ng madaling araw hanggang alas 6:00 ng umaga umabot sa 14,658 ang bilang ng mga pasaherong bumiyahe sa mga pantalan.

Pinakaraming naitala sa Southern Visayas na mayroong 3,930 na mga pasahero; sinundan ito ng Central Visayas na may 3,073 na pasahero; at Northern Mindanao na mayroong 2,154.

May mga bumiyahe rin sa mga pantalan sa Southern Tagalog, Western Visayas, South Eastern Mindanao, Bicol, at Eastern Visaya.

Nagpapatuloy ang pag-iral ng Oplan Biyaheng Ayos ng Coast Guard para masiguro ang kaligtasan ng mga bumibiyahe ngayong Undas.

Read more...