Ang 2018 Sustainable Cities Index (SCI) report ay base sa pag-aaral na ginawa ng isang design and consultancy form na naka-base sa Amsterdam.
Ayon sa pag-aaral ng kumpanyang Arcadis, ang Maynila na kapital ng Pilipinas ay pang 95 sa 100 mga lungsod sa iba’t ibang panig ng mundo kung ang pag-uusapan ay sustainability.
Ginawa ang ranking sa mga lungsod sa mundo batay sa tatlong usapin, una ang ay “people factor”, “planet”, at “profit”.
Sa “people factor” nasa pang-93 ang Maynila na naglalarawan sa social mobility at kalidad ng oportunidad at pamumuhay sa lungsod.
Para sa “planet factor”, nasa pang-91 ang Maynila dahil sa polusyon at emissions.
Nasa number 98 naman ang Maynila kung ang pag-uusapan ay “profit” kung saan inaral ang business environment at economic performance ng lungsod.
Nanguna naman sa listahan ng sustainable cities ang London, pumangalawa ang Stockholm at ikatlo ang Edinburgh.