66-anyos na kidnap victim sa Sulu, nailigtas mula sa Abu Sayyaf

Nailigtas ng militar ang isang 66 anyos na lolo na dinukot ng mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Sulu.

Ang biktimang si Jose Duterte na residente ng Sitio Tabuk, Barnagay Sta. Maria, Zamboanga Del Norte ay nailigtas ng mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team 3.

Ito ay makaraang maaresto kamakailan ng militar ang ilang miyembro ng Abu Sayyaf sa isinagawang military operations sa bayan ng Panamao.

Mahigit isang taon ding hawak ng mga bandido si Duterte dahil March 2017 pa nang ito ay dukutin.

Dinala na sa opistal sa Busbus, Jolo ang biktima para maisailalim sa check up at debriefing.

Read more...