Ito ay matapos nitong magwagi bilang ‘Best Actor’ sa 5th Hanoi International Film Festival sa Cultural Friendship Palace sa Hanoi, Vietnam.
Ang parangal ay dahil sa magaling nitong pagganap sa pelikulang ‘Signal Rock’ ng award winning director na si Chito Roño.
Sa kanyang Instagram post kagabi, lubos ang pasasalamat ni Bables sa Diyos sa talentong ibinigay nito sa kanya.
Hindi rin nito nakalimutan ang mga tao na tumulong sa kanya upang matupad ang pangarap na maging aktor.
Naitanghal na ‘Best Actress’ si Dao Phuong Anh ng Vietnam para sa pelikulang Nham Mat Thay Mua He.
Nasungkit naman ng ‘The Dark Room’ ng Iranian Director na si Rouhollah Hejazi ang Best Feature Film award ng nasabing film fest.