JR Smith gustong umalis ng Cleveland Cavaliers

Reuters Photo

Sa NBA, nais na ni Cleveland Cavaliers guard JR Smith na umalis sa koponan.

Ayon kay Smith ramdam niyang ayaw na rin sa kaniya ng team kaya gusto na niyang magpa-trade sa ibang NBA team.

Dismayado si Smith na nabawasan ang kaniyang playing time at sinabihan din siyang hindi na siya magiging bahagi ng rotation kapag may laban ang Cavaliers.

Ikinukunsidera din ni Smith ang maghain ng leave of absence.

Read more...