Bitbit ng mga nagportestang empleyado ang mga placard na may nakasulat na “”End Rape Culture,” “Don’t be evil,” “Equality for all,”at “I deserve to feel safe @ work.”
Maliban sa headquarters ng Google sa Parkway, California, nangyari din ang protesta sa mga tanggapan nito sa iba pang mga bansa.
Nag-ugat ang protesta sa ulat na lumabas sa New York Times na tatlong matataas na opisyal ng Google ang nakatanggap pa ng malaking halaga ng payouts at benepisyo sa kabila ng akusasyong sexual misconduct laban sa mga ito.
Noong Martes, nakatanggap ng email ang mga empleyado ng Google galing sa kanilang CEO na si Sundar Pichai at humihingi ito ng paumanhin.
Tiniyak din sa mga empleyado na hindi kukunsintihin ng kumpanya ang anumang maling gawain.
Kabilang sa demand ng mga nagprotesta ang tigilan pagkakaroon ng transparency sa mga isyung sexual harassment sa mga opisyal.
Magkaroon ng tamang proseso sa pag-ulat ng sexual misconduct.
At tigilan ng Google ang “pag-areglo” sa mga kaso ng harassment at discrimination sa mga kasalukuyan at mga susunod pang empleyado.