Suspek sa kasong qualified theft arestado sa Maynila

Habang abala ang marami sa pagbisita sa mga sementeryo, tuloy ang anti-criminality operations ng mga otoridad.

Sa Maynila, naaresto ng mga tauhan ng Jose Abad Santos Police Station ng Manila Police District (MPD) ang number 8 most wanted person ng istasyon sa ikinasa nilang operasyon sa 1990 Street sa Tondo.

Kinilala ang suspek na si Rodelito Datuin, 46 taong gulang, na nahuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Dinnah Aguila-Topacio ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 42 para sa kasong qualified theft.

Nakakulong na sa custodial facility ng MPD Station 7 si Datuin at nakatakdang iharap sa korte para panagutin sa kasong kinakaharap.

Read more...