Huling namataan ang bagyo sa 615 kilometers west ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong pa-hilaga.
Ayon sa PAGASA, sa susunod na 36 na oras ay hihina pa ang bagyo at magiging isang Low Pressure Area na lamang.
Ito ay dahil sa nasasalubong nitong northeast monsoon sa Southern part ng China.
Sa sandaling humina na ang bagyo, inaasahang lalakas na ang pag-iral ng Amihan lalo na sa Northern Luzon.
Maliban sa Batanes at Babuyan Group of Island na makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan dahil sa trough ng bagyong Yutu ay magiging maaliwas ang panahon sa nalalabi pang bahagi ng bansa.