Sa kanyang mensahe kahapon, nais ipaalala ng Santo Papa kung nabubuhay ba ang bawat tao para sa kabanalan at sa Diyos o sila ay nabubuhay para sa sarili at ng mga makamundong bagay.
Anya, isang magandang bagay ang gawing huwaran ang mga Santo na pawang namuhay nang hindi lamang para sa kanilang mga sarili,
Iginiit din ni Pope Francis na dapat ay matamo ang kabanalan sa pagsunod sa mga itinuturo ng ‘Beatitudes’.
Samantala ngayong November 2, Araw ng mga Kaluluwa ay bibisita ang Santo Papa sa Laurentino Cemetery.
Hinimok niya ang mga mananampalataya na samahan siya sa panalangin para sa mga taong nahihimlay na at matamo ang mapayapang kapahingahan.