American National natagpuang patay sa Zambales

Isang 56-anyos na American national ang natagpuang patay sa loob ng restroom ng isang fastfood chain sa Subic, Zambales.

Ayon kay Subic Municipal Police Station Chief Inspector Joan Sibayan, nakilala ang American national na si Ismael Ortiz, residente ng Barangay Calapandayan.

Ayon kay Sibayan, bandang alas-11:30 ng umaga nang bumagsak sa restroom ng fastfood si Ortiz.

Isang customer ang nakakita kay Ortiz na nakahandusay sa sahig.

Dinala naman ito sa James L. Grodon Memorial Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Hindi pa alam hanggang sa ngayon ang sanhi ng pagkamatay ni Ortiz.

Read more...