Ngayong araw, November 2 epektibo ang inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na P2 na dagdag sa minimum na pamasahe sa jeep.
Pero sinabi ni Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines president Zenaida Maranan na nasa 50,000 units sa Metro Manila, Central Luzon at Southern Tagalog ang hindi pa nakumpleto ang requirements para sa bagong fare matrix.
Dahil sa long weekend ngayong Undas, inaasahan na hindi matatapos ng mga operators ang requirements at sa Lunes pa sila makapag-ayos ng kanilang aplikasyon.
Dahil dito ay pinayuhan ni Maranan ang mga jeepney operators na huwag munang maningil ng P10 na minimum na pamasahe.
Nananawagan din ito sa mga pasahero na ireport ang operator at driver na maniningil na ng P10 na minimum na pamasahe ng wala pang bagong fare matrix.