Ito ang malinaw na marching orders ni Finance Secretary Carlos Dominguez kay bagong Customs Commissioner Rey Guerrero.
Ayon kay Dominguez, pinag-usapan nila ni Guerrero na ipatupad ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na agad na mawala sa BOC ang katiwalian at smuggling partikular ng droga.
Gayundin ang maabot ang target na koleksyon na average na P55 billion kada buwan para sa 2019.
Tinanggap anya ni Guerrero ang hamon ng bago nitong trabaho at kumpyansa ang kalihim sa abilidad ng bagong BOC chief.
Nakaatang sa BOC na mangolekta ng P598 billion ngayong taon at sa susunod na taon ay P670 billion.
Hanggang sa pagtatapos ng Oktubre, nasa P481 billion ang nakolektang buwis ng BOC, mas mataas ng 3.2% sa target na P466.7 billion para sa unang sampung buwan ng 2018.