Gasolinahan sa Makati, nagkaroon ng gas leak

Nagkaroon ng gas leak sa gasolinahan sa Barangay Bangkal, Makati City.

Nasa gasolinahan ang mga brand ng Phoenix Petroleum na pag-aari ng Phoenix Petroleum Philippines Inc. na isang independent oil company.

Ayon kay Makati City Vice Mayor Monique Lagdameo, may nagreklamong residente na may naamoy silang kakaiba na galing mula sa gasolinahan Miyerkules pa ng gabi.

Tumugon ang kapitan ng barangay at ipinagbiga-alam ito sa mga otoridad.

Nagsagawa ang mga miyembro ng Makati Bureau of Fire Prevention ng water flushing operation sa mga kanal na nasa paligid ng gasolinahan.

Sinabi naman ni Lagdameo na nakipag-tulungan naman ang pamunuan ng gasolinahan sa paglilinis sa lugar.

Read more...