3 kadete ng PNPA na pasimuno sa oral sex controversy, sisibakin ni Duterte

Duterte file

Sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong kadete ng Philippine National Police Academy o PNPA na pinilit ang dalawa nilang lalaking plebo na mag oral sex bilang parusa sa pagsuway sa kanilang utos.

Sa Post Disaster Command Conference sa Cauayan, Isabela, sinabi ng pangulo na nabasa na niya ang report ukol sa nangyaring insidente sa PNPA sa Silang, Cavite noong October 6.

Sinabi ng PNPA na pinilit ng upper class cadet ang dalawang first year students na magsagawa ng oral sex habang nanonood ang dalawa pang kadete.

Hindi matanggap ng pangulo ang anya pag-dehumanize at pagnakaw sa dignidad ng dalawang police cadet na kagagawan ng upper class cadet.

Read more...