Sa kanyang pulong sa mga opisyal ng gobyerno sa Cauayan, Isabela, sinabi ng pangulo na malawak ang pinsala ng bagyo sa rehiyon.
Nag-alala rin ang pangulo sa mga pinaniniwalaang na-trap sa bumagsak na gusali ng Department Of Public Works And Highways sa natonin, Mountain Province.
Sa datos ng NDRRMC, anim ang namatay sa landslide sa Natonin, anim sa Banaue sa Ifugao, dalawa sa Tinglayan habang isa ang nalunod sa Abra.
Sa report naman ng mga lokal na opisyal, nasa walong bangkay na ang narekober mula sa nag-collapse na DPWH building.
Natabunan ang mga biktima sa pagguho ng lupa sa kasagsagan ng hagupit ng Bagyong Rosita.