Ayon kay dating Special Assistant to the President Christopher Bong Go, mas prayoridad ng pangulo na malaman ang kalagayan ng mga nabiktima ng bagyo.
Kasabay nito sinabi ni Go na panahon na para magkaroon ng maayos na mga evacuation center sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Go, mahirap ang walang maayos na evacuation center at sa katunayan ay makailang beses na itong napatunayan kabilang na ang pagkakadisgrasya ng mga inililikas.
Ilang ulit na aniyang nangyari na sa halip na maging ligtas sa pinaglikasang lugar ay nabibiktima pa ang mga ito ng landslide tulad ng nangyari sa Itogon Benguet at itong huli ay sa Mountain Province.