Paggunita ng Undas sa NCR ‘generally peaceful’ – NCRPO

NCRPO Photo

Mapayapa sa pangkalahatan ang unang mga oras ng paggunita ng Undas ngayong taon sa buong Metro Manila.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar, simula umaga ng Huwebes, walang naitatalang untoward incidents sa mga sementeryo.

Maagang nag-ikot si Eleazar sa mga semeteryo sa Metro Manila para personal na tignan ang sitwasyon at ang ipinatutupad na seguridad.

Pinayuhan naman ni Eleazar ang publiko na magbaon ng mahabang pasensya kung pupunta sa sementeryo.

Inaasahan kasing mamayang hapon ay dadami pa ang bilang ng mga taong dadagsa kaya haba ang pila sa entrance ng mga kampo santo.

Read more...