Maaga pa lamang ng Huwebes, Nov. 1 dagsa na ang mga bumibisita sa Manila North Cemetery.
Sa datos ng Manila Police District, alas 7:00 ng umaga ay umabot na sa 20,550 ang bilang ng mga dumating sa sementeryo.
Pagsapit ng alas 8:00 ng umaga umabot pa sa 46,730 na katao ang naitalang nasa loob ng sementeryo.
Inaasahang ngayong maghapon dadami pa ang mga taong maglalabas-masok sa Manila North Cemetery.
MOST READ
LATEST STORIES