LOOK: Mga nagtutungo sa Manila South Cemetery dagsa na

Kuha ni Jan Escosio

Libu-libo na ang dumagsa sa Manila South Cemetery sa Makati City.

Alas 7:00 ng umaga kanina, sinabi ng mga tauhan ng Manila Police District na nakatalaga para magbantay sa sementeryo, 2,857 na katao na ang nasa loob ng libingan.

Maghapon ng Huwebes, Oct. 31 at bisperas ng Undas, umabot sa 24,000 ang kabuuang bilang ng mga naitalang pumasok sa sementeryo.

Patuloy naman ang pagpapatupad ng mahigpit na polisiya sa mga pumapasok sa Manila South Cemetery.

Ang mga bawal na gamit ay hindi pinapayagang ipasok sa sementeryo lalo na ang mga bagay na nakasasakit.

 

Read more...