Niyanig ng 5.7 magnitude na lindol ang Bolinao, Pangasinan kaninang 3:40 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang origin ng lindol na naitala 58 kilometers hilaga ng Bolinao.
Ang lindol ay may lalim na 45 kilometers.
Naramdaman ang Intensity 4 sa Bolinao, Pangasinan; Intensity 3 sa Dagupan City; Intensity 2 sa Baguio City; San Clemente, Tarlac; at sa Angeles at Mabalacat City, Pampanga habang Intensity 1 naman ang naramdaman sa Maynila, Muntinlupa, Pasay at Makati City.
Samantala gamit ang instrumental Intensities, naramdaman din ang Intensity 3 sa Vigan City; Intensity 2 sa Sinait, Ilocos Sur; Iba, Zambales; at Guagua, Pampanga at Intensity 1 sa Pasig at Marikina City; San Jose, Nueva Ecija; at Santiago City, Isabela.
Wala namang naitalang aftershocks ang Philvolcs matapos ang lindol.