High School Principal, patay sa pamamaril sa Sulu

sulu mapPatay ang officer in charge (OIC) principal ng Luuk National High School sa Sulu nang tadtarin ng bala ng isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Naganap ang insidente alas 7:30 kagabi, araw ng Sabado sa Brgy. San Raymundo, Jolo, Sulu.

Ang biktima ay nakilalang si Edwin Saraji, 41 taong gulang, walang asawa, at residente ng Kakuyagan Village, Jolo, Sulu.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga otoridad ang naturang insidente ng pamamaril.

Inaalam na din ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa krimen.

Read more...