17 sugatan sa aksidente sa Misamis Oriental

Sugatan ang 17 katao makaraang sumalpok sa bato ang sinasakyan nilang jeep sa Misamis Oriental, Miyerkules ng gabi.

Naganap ang aksidente sa kahabaan ng Gingoog-Claveria Road.

Ayon sa driver ng jeep na si Viggy Arche Abecia, nawalan ng preno ang sasakyan kaya nagpasya siyang ibangga na lang ito sa malaking bato sa gilid ng kalasada kaysa mahulog sa bangin..

Ang mga nasugatang pasahero ng jeep ay dinala sa kalapit ospital.

Pawang estudyante umano at guro ng St. Isidore School of Medina ang sakay ng jeep na galing sa Archbishop Cup sa bayan ng Claveria.

Read more...