P100,000 marijuana na ibebenta sana sa sementeryo, nasabat ng mga otoridad sa Iriga

Nasabat ng mga otoridad ang aabot sa P100,000 halaga ng marijuana sa Iriga City.

Ayon sa Iriga Police, natagpuan ang mga sachet ng marijuana sa loob ng isang bag na iniwan malapit sa tambak ng basura sa Barangay San Juan.

Sinabi ni Supt. Chito Oyardo, hepe ng Iriga Police, isang concerned citizen ang nagsabi sa kanila na may abandonadong bag sa lugar.

Hinala naman ng mga pulis maaring ibebenta sa sementeryo ang mga marijuana.

Read more...