Binatilyo sugatan matapos sumabog ang ginagamit na vape

Sugatan ang isang binatilyo matapos sumabog ang vape na ginagamit nito sa Maynila.

Natanggal ang mga ngipin, nasugatan sa mata at namaga ang bibig ng 17 anyos na lalaki na agad isinugod sa East Avenue Medical Center.

Ayon sa ina ng biktima, nabili ng anak niya noong Lunes ang vape na 2nd hand.

Nagamit pa ito ng binatilyo ng ilang araw bago pumalya ang baterya kaya pina-swap niya ito online.

Nang makipagkita sa kausap niya para mai-swap ang baterya ay tinesting ito ng binatilyo at doon na ito sumabog.

Sa post naman sa social media ng binilhan ng vape ng binatilyo, sinabi nitong nagpunta pa sa kaniya noong isang araw ang biktima.

Nakita umano niya ang baterya ng vape nito at sinabing nabili iyon online.

Sinabihan pa umano niya ang binatilyo na sana ay original na battery na lang ang binili dahil delikado ang mga nabibili online na second hand.

Pero wala daw budget pambili ng bago at original na battery ang binatilyo.

Read more...