Trump handang mag-deploy ng mas maraming sundalo sa US-Mexico border para mapigilan ang caravan ng mga migrante

AP Photo

Inanunsyo ni US President Donald Trump ang posibleng pagtatalaga ng hanggang 15,000 US troops sa border ng Amerika.

Ito ay bilang pagpapatupad pa rin ng mahigpit na polisiya sa immigration habang papalapit ang eleksyon doon.

Ayon kay Trump, sa ngayon mayroong 5,800 na militar sa border ng US at maari niya pa itong dagdagan at paabutin ng hanggang 10,000 hanggang 15,000.

Una rito ay napaulat ang pagkakaroon ng caravan ng Central American migrants bago ang halalan.

Tahasan ding sinabi ni Trump na layon niyang maawat ang pagpasok sa Amerika ng caravan ng mga migrante.

Read more...