M3.2 na lindol naitala sa Sarangani

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bahagi ng Sarangani alas-2:57 madaling araw ng Huwebes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 17 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Kiamba.

May lalim ang pagyanig na 32 kilometro.

Tectonic ang dahilan nito at hindi naman nakapagtala ng aftershocks.

Wala ring inaasahang pinsala sa mga ari-arian

Read more...