Quirino, isinailalim sa ‘state of calamity’ dahil sa pinsala ng Bayong Rosita

Isinailalim sa ‘state of calamity’ ang lalawigan ng Quirino dahil sa pinsalang idinulot ng Bagyong Rosita.

Inaprubahan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) ang deklarasyon at tatalakayin ang paglalabas ng pondo sa Lunes.

Ayon kay Governor Junie Cua, malaki ang naging pinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura at sa mga bahay ng mga residente.

Wala pa naman eksaktong halaga ng pinsala ng bagyo.

Iginiit ng opisyal na bagaman mas malakas ang Bagyong Ompong ay mas malapit ang Bagyong Rosita sa lalawigan nang manalasa ito na nagdulot ng mga pinsala.

Nakalabas na ng bansa ang bagyo kahapon at isa na lamang tropical storm.

Read more...