Rollback sa LPG, epektibo na ngayong araw

Epektibo na ngayong araw ang malaking bawas-presyo sa liquified petroleum gas o LPG.

Kaninang hatinggabi, unang nagpatupad ang Petron ng P7.50 kada kilong rollback sa kanilang LPG o P82.50 sa isang 11-kilogram na tangke.

Mayroon ding bawas -presyo ang Petron sa kanilang Auto LPG na P4.20 kada litro.

Samantala, ang Solane naman ay magpapatupad ng P7.46 kada kilong rollback; ang Phoenix petroleum ay P7.50 kada kilo; habang ang Eastern Petroleum ay mayroong P7.5454 kada kilong bawas.

Epektibo ang rollback ng tatlong kumpanya alas-6:00 ngayong umaga.

Read more...