Nagpaalala ang isang obispo sa publiko tungkol sa pagiging sagradong lugar ng mga sementeryo.
Sa isang panayam, sinabi ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Vice President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na dapat alalahanin ng publiko ang kabanalan ng mga sementeryo.
May rason anya kung bakit ito tinatawag na ‘kampo santo’ o sacred ground.
Ayon sa obispo, ang All Saints’ at All Souls’ Day ay isang pagkakataon upang alalahanin ang mga yumao at sila ay ipagdasal.
Bukod dito, umapela rin si David sa mga tao na panatilihing malinis ang mga sementeryo bilang pagrespeto sa mga yumao.
MOST READ
LATEST STORIES