Ayon sa pinuno ng Indonesian military na si Hadi Tjahjanto, nadetect ang signal mula sa black box ng Flight JT610 at kasalukuyan nang sinusubok ng divers na matunton ang lokasyon nito sa tinatayang lalim na 100-130 feet sa Java Sea.
Nakikipagbuno ang mga divers sa malakas na current sa dagat.
Nagpapahirap din sa sitwasyon ang presensya ng oil at gas pipeplines sa lugar ayon kay Muhammed Syaugi, pinuno ng search and rescue operations.
Mahalaga ang retrieval sa black box ng eroplano upang matukoy kung ano ang sanhi ng pagbagsak nito.
Ayon kay Syaugi, sakaling matagpuan ang fuselage ng eroplano ay bubuhatin ito sa pamamagitan ng crane.
Pinaniniwalaang maraming pasahero ang natrap sa loob ng eroplano.
Samantala, nagpapatuloy ang retrieval sa mga katawan ng mga pasahero, debris at personal belongings na dinadala sa Jakarta para sa proseso ng identification.